Cebu police training school isusunod kay Robredo

IPAPANGALAN kay Interior and local Government Secretary Jesse Robredo ang Philippine Public Safety College (PPSC)  Regional Training School (RTS) sa Cebu na pinangunahah nito ang groundbreaking ceremony nitong nakaraang Sabado (Agusto 18), bago ito namatay sa isang tragic plane crash, ayon kay PPSC president lawyer Ruben R. Platon.

“The school, once its construction and development are completed will be named, “Secretary Jesse M. Robredo Training Center,” pahayag ni Platon.

Sinabi ni Platon na ang groundbreaking ceremony para sa Central Visayas RTS, sa Barangay Jugan, Consolacion, Cebu, ang pangalawa sa huling opisyal na aktibidades na dinaluhan ni Secretary Robredo sa parehong araw, bago ito sumakay sa Piper Seneca aircraft patungong Naga City, na nagkasa ng isang emergency landing, isang oras matapos umalis sa Cebu, at bumgsak sa karagatan ng Masbate.

Maliban kay Robredo ang pilotong si Captain Jessup Bahinting at ang co-pilot na si Nepalese Kshitiz Chand ay namatay din sa pagbagsak ng eroplano, habang nakaligtas naman ang aide ni Robredo na si Senior Insp. Jun Abrazado matapos masagip ng mga mangingisda.

Sinabi ni Platon na ang brief remarked sa Pilipino ni Robedo ay “ang training center na ito ay maging tahanan ninyo sa inyong pagsasanay upang mas itaas natin ang antas or sukat ng paglilingkod. Lagi ko pong sinasabi, na hindi sapat na tayo ay matino lamang, hindi rin sapat na tayo ay mahusay lamang. Hindi lahat ng matino ay mahusay, at lalo namang hindi lahat ng mahusay ay matino. Ang dapat ay matino at mahusay upang karapat-dapat tayong pagkatiwalaan ng bayan.”

Sinabi pa ng PPSC president na ang konstruksyon bagong eskuwelahan ay matatapos sa loob ng pito hanggang walong buwan.

Kabilang aniya sa mga pasilidad sa limang-ektaryang lupa na para sa eskuwelahan ay kinabibilangan ng main building,  administration at academic buildings, classrooms at function rooms, quarters para sa trainees at maging ang mess hall.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply