Cellphone ni MMDA Fabros, ninakaw

MATAPOS maging kontrobersyal at tumaas pa ang ranggo, nawalan ng cellphone ang Metropolitan Manila Development Authority traffic constable, ayon sa MMDA official kaninang umaga (Agosto 26).

Dahil dito, binalaan ni MMDA traffic discipline office head Yves Gonzalez ang publiko na huwag pansinin ang gagamit sa cellphone number ni Saturnino Fabros para manghingi ng “solicitations.”

“Fabros’ cellphone got stolen. If you text his old number and the person on the other end tries to solicit anything from you, DONT BITE,” babala ni Gonzalez sa kanyang Twitter account.

Hindi naman idinetalye ni Gonzalez kung paano nanakaw ang cellphone ni Fabros.

Nito lamang nakaraang linggo, na-promote si Fabros at binigyan ng medal sa pagsita sa isang motorista na lumabag sa traffic rule sa Quezon City, at hindi lumabas habang sinasaktan.

Kinasuhan nito ng direct assault ang suspek na si Robert Blair Carabuena at ang kapatid nito sa Quezon City Prosecutor’s Office para sa Agosto 11 na insidente.

Humingi na rin si Carabuena nitong nakaraang linggo ng paumanhin at pinatawad naman ni Fabros pero haharapin pa rin nito ang korte sa kasong isinampa ng MMDA.

Nitong nakaraang linggo rin, sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya sa pagmamaneho ni Carabuena alinsunod sa ikakasang imbestigasyon kung ang kanyang lisensya ay ire-revoke.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply