Cessna plane bumagsak sa dagat: 1 nakaligtas, 2 missing

ISANG Cessna plane na may lulang tatlo katao ang bumagsak sa dalampasigan ng Masbate City ngayong hapon.

Ayon kay Masbate Gov. Dayan Lanete, nakilala ang nakaligtas sa pangalang Abrasado, aide de camp ni DILG Sec. Jesse Robredo habang wala pang pagkakakilanlan sa dalawa pa nitong kasamahan.

Naganap ang insidente dakong 4:20 ng hapon, may 200 metro mula sa dalampasigan ng naturang lungsod, habang lumilipad ang eroplano mula sa Mactan Airport sa Cebu patungo sa Naga City.

Napag-alaman na nag-i-emergency landing ang naturang eroplano sa Masbate nang bumagsak ito sa dagat kung saan agad itong lumubog.

Inaalam pa ngayon kung kasama si Robredo sa mga sakay ng bumagsak na eroplano.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply