CGMA aktibong kikilos vs RH bill

MAGIGING aktibo si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa kampanya laban sa Reproductive Health bill.

Isang text ang kumalat ngayong umaga na nagsasabing si CGMA ay lalahok umano sa anti-RH rally ng mga Obispo sa Sabado.

Ito ay bilang kapalit diumano ng suporta ng simbahan sa kasong plunder na kaniyang kinakaharap ngayon sa Sandiganbayan.

Samantala, iginiit ni CGMA na maipagpatuloy ang debate sa RH bill.

Aniya, hindi dapat mahinto ang interpelasyon sa nasabing panukala dahil marami pang puntos ang kanilang ilalahad.

Si arroyo, na isang sagradong katoliko ay kabilang sa mga anti-rh bill congressmen na may matinding pagtutol sa panukalang batas.

Kaugnay nito, tahasang sinabi naman ni Albay Rep. Edcel Lagman, pangunahing may-akda sa RH bill na lalo lamang pinagpapait ng mga Obispo ang usapin ng RH.

“Catholic bishops extrapolate the votes against the RH bill like turning water into wine. The bishops forget that the miracle of life should not result in the death of the mother, and the quality of life of children must be enhanced by empowering parents, couples and women to freely and responsibly determine the number and spacing of their children.”

Paglilinaw ni Lagman na ang RH ay may layuning pag-igihin ang kalusugan ng mga ina at ng mga sanggol, gayundin ang pagpapababa sa napakataas na bilang ng teenage pregnancies sa pamamagitan ng pagpaplano ng pamilya at paggamit ng non-abortive contraception.

“The bishops’ “favorable” forecast mocks the independence and individual consciences of congresspersons whose constituents overwhelming favor the enactment of the RH bill as documented by empirical and periodic surveys,” ani Lagman.

Sinabi pa ni Lagman na ang RH bill ay may sapat na suporta sa loob at labas ng Kamara.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply