CGMA dumalo pre-trial case ng NBN-ZTE

SA kabila ng maselang kondisyon, humarap si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa Sandiganbayan.

Ito ay kaugnay sa pre-trial conference sa kinakaharap na kasong graft ni Arroyo matapos madawit sa kontrobersiyal na ZTE-NBN broadband deal.

Una rito, lumabas ang ulat na malabong makadalo ang dating pangulo sa fourth division ng anti-graft court dahil masama ang kondisyon ng katawan nito.

Inatasan ng Sandiganbayan si Mrs. Arroyo na humarap ngayon sa pre-trial proceedings sa kabila ng pagtanggi ng pagsusumite ng counter-evidence at pangalan ng posibleng defense witnesses.

Kung maaalala, noong Biyernes ay isinugod pabalik sa Veteran’s Memorial Medical Center si Rep. Arroyo makaraan itong mabilaukan ng kinaing melon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply