CGMA isinugod sa VMMC dahil sa pananakit ng likod

ISINUGOD kagabi si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa Veteran Memorial Medical Center matapos sumakit ang likod.

Ayon kay Elena Horn, tagapagsalita ni Arroyo, kumain ng melon si GMA na bumara sa kanyang lalamunan.

Pinilit umano ni Arroyo na iluwa ang pagkain na bumarang pagkain subalit nahirapan ito. Napuwersa umano ang batok hanggang sa sumakit ang kanyang likod.

“She suffered a strain in her neck in an effort to let out the melon that choked her,” paliwanag ni Horn.

Kasalukuyang nasa VMMC si GMA at pinayuhan ng mga doktor na magpahinga.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply