Chinese president at PNoy mag-uusap na

MAKABUBUTI kina Chinese President Hu Jintao at Pangulong Benigno Aquino III ang makapag-usap sa pamamagitan ng sideline meeting at talakayin kapwa ang usapin ukol sa mutual concern gaya ng Scarborough Shoal issue, South China Sea sa kabuuan at ang Code of Conduct.

Sina Pangulong Aquino at President Jintao ay kapwa dadalo sa  20th Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa Vladivostok, Russia.

“I wouldn’t be able to say that categorically. That sideline meeting, number one, would have to be discussed, agreed upon by both countries. So that’s something maybe DFA and the Chinese Foreign Ministry would be working on towards having the possibility of both of them meeting each other. As to the substance of the sideline meeting, that would also have to be discussed and agreed upon by both (the) Chinese Foreign Ministry and the DFA,” ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda.

Sinabi ng opisyal na mabuti para sa dalawang lider ng 2 bansa ang magkaroon ng direktang pag-uusap ukol sa Scarborough Shoal issue, South China Sea sa kabuuan at ang Code of Conduct.

“We have been discussing this matter through the Secretary of Foreign Affairs or through the Chinese Foreign Minister. Very recently, Secretary (Albert) del Rosario met with the Chinese Foreign Minister. Certainly it would be good for both heads of state to speak to each other directly,” aniya pa rin.

Sa ulat, ang APEC meeting ng 21 world leaders kasama ang US at China sa Setyembre 7 hanggang 9 ay  inaasahang tatalakay sa mga usapin ng trade and investment liberalization, food security, programa para maibsan ang pinsalang dulot ng mga kalamidad at pagsasaayos ng mga tinatatawag na transportation and logistic chains.

Kabilang naman si Chinese President Hu Jintao sa walong head of states na humiling ng one-on-one meeting kay Pangulong Aquino.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary for International Economic Relations Laura del Rosario, patuloy pang inaayos ang schedule ng pangulo pagdating sa Russia.

Sinabi ni Usec. Del Rosario, sa bilateral meeting ng pangulo at ni Hu Jintao, inaasahang matatalakay ang hinggil sa West Philippine Sea.

Kabilang pa sa mga nag-request ng bilateral meeting kay PNoy ay ang Japan, Chile, Vietnam, Malaysia, Indonesia, Thailand at Singapore.

Samantala, pinag-uusapan pa ang posibleng pakikipag-usap ng Pangulo kay US Secretary of State Hillary Clinton na kakatawan kay US Pres. Barack Obama.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply