Chiz dadalo na sa pagpili ng CJ sa JBC

DADALO si Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero sa nakatakdang pulong ng Judicial and Bar Council (JBC) sa Lunes matapos payagan ng Supreme Court na dalawa ang maging kinatawan ng Kongreso sa magaganap na botohan sa pagpili ng susunod na chief justice.

Sa panayam, inihayag din ng ilang senador na nakaluluwag ng sigalot ang desisyon ng SC dahil tuluyan nang itinama ng Hukuman ang pagkakamali ng gumawa ng Saligang Batas matapos makaligtaan na bicameral ang sistema ng Lehislatura.

“It is temporary or interim ruling. We will still insist that the Supreme Court recognize that Congress is a bicameral body where one cannot represent the other. I will attend unless i get instructions to the contrary from Senate President Juan Ponce Enrile,” ayon kay Escudero.

Samantala, sinabi naman nina Senador Franklin Drilon at Edgardo Angara na naitama ng huling desisyon ng Supreme Court ang malinaw na pagkakamali sa ating Saligang Batas na pinapayagan lamang ang isang kinatawan mula sa Kongreso kahit bicameral ang ating sistema.

“Thru judicial activism, they corrected what obviously is an error in our Constitution because the single representation of Congress in the JBC was crafted when there was a unicameral legislature that was contemplated when the bicameral system won by one vote. They rush the drafting that they forgot they must amend the vague representation of JBC. So what the Supreme Court did was to reflect the real intention to have a representation of legislation,” ayon kay Drilon.

Para naman kay Angara isa itong pangkompromisong pagkilos ng Supreme Court upang tuluyan nang mapigilan ang namiminting krisis kapag hindi naresolbahan ang isyu kaagad.

“Magaling tayong mga Pilipino na mag-compromise na mag-negotiate e. The Supreme Court should confront issues once we have a permanent chief justice,” ayon kay Angara.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply