Chopper ng Navy patungong Masbate bumagsak; mga sakay ligtas

BUMAGSAK ang isang Huey helicopter ng Philippine Navy na patungo sanang Masbate upang magsagawa ng reconnaissance operation sa crash site ng eroplano na sinakyan ni Secretary Jesse Robredo.

Iniulat na bumagsak ang chopper sa Barangay Sta. Cruz, Donsol, Sorsosgon at sa mga unang impormasyon ay sakay nito ang isang taga-GMA News na si Danny Pata at apat pang kagawad ng Phil. Navy.

Ligtas naman umano ang lahat ng sakay ng chopper at si Pata dahil nakatawag pa ito sa mga kasamahan matapos ang nabanggit na pagbagsak ng chopper.

Hindi pa malaman kung ano ang dahilan ng pagbagsak ng helicopter sa karagatan ng Donsol, Sorsogon bagamat hindi inaalis posibleng mechanical trouble ang naging dahilan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply