Chorvahan welcome kay Lovi Poe

SA mga interview kay Lovi Poe, lumalabas na hindi siya seryoso sa mga lalaki. Tulad na lang sa inuugnay sa kanyang si Jake Cuenca. Ayaw niyang sagutin kung sila na ba ng actor o hindi.

Mas maganda raw kung si Jake na lang ang tanungin ng press tungkol sa kanila. Ang da height, kahit bukelya ng may affair sila ni Jake ay okey pa rin pala kay Lovi na magpaligaw siya sa iba at wala rin siyang paki sa actor (Jake) kung manligaw rin ito ng ibang girls.

Katunayan, sa shooting ng horror movie ni Lovi ay dinadagsa ng manliligaw ang sikat na young singer-actress at okey ito sa kanya dahil ang paniniwala niya the more, the merrier, the better.

Pero may babala siya sa kanyang magiging boyfriend, ayaw na ayaw niya na pinagbabawalan siya lalo na sa kanyang showbiz career.

At nang mapag-usapan ang tungkol sa safe sex, sa kabila ng hindi nga nito sinagot ng diretso ang question sa kanya ay nagbitiw naman si Lovi ng katagang “I won’t answer it directly pero ito na ang panahon ngayon.”

Na parang gustong tukuyin ng sexy actress ay open siya at welcome sa kanya ang “churvahan” at di na ‘yan bago sa amin dahil ilang beses na bang naba-blind item ang morenang aktres at si Jake na may ginagawa kuno silang milagro sa condo. Waley na kami masabi. Very liberated gyud!

***

Superstar Nora Aunor sumuong sa baha at namahagi ng relief goods sa kababayan

NAKAUUMAY na ang utang issue kay Nora Aunor. At least ngayon may ihahatid na tayong magandang balita for our Superstar sa kanyang pagkakawanggawa recently lang.

Yes, sinuong talaga ni Ate Guy at ng kanyang mga kasama ang baha sa kahabaan ng Barangay Sta. Lucia, West Fairview, Quezon City para mamigay ng mga relief goods sa mga kababayan nating biktima ng bagsik ni Habagat.

At dahil sikat at kilalang-kilala pa rin ay pinagkaguluhan raw ng mga tao roon si ate Guy na ikinataba naman daw ng puso nito.

Samantala, si Batangas Gov. Vilma Santos naman ay todo effort rin with her Vilmanian’s para makatulong sa maraming kababayan na sagad ang pangangailangan sa pagkain, tubig, gamot at damit.

Si ate Vi pa? Maglalabas ‘yan ng sariling pera sa bulsa para madamayam ang kapwa lalo na sa mga ganitong pagka -kataon.

‘Yung The Healing pala ni ate Vi ay pinipilahan pa rin hanggang ngayon sa takilya. Susundan naman ito ng pelikulang inaabangan na ng mga kabataan. I’m reffering to ‘The Reunion”.

Ang ultimate barkada movie event of the year under Star Cinema and directed by Direk Bobot Mortiz’s son Frasco Mortiz. It will opens this August 15 at Cinema’s nationwide.

***

Direk Jeffrey Jeturian reveals the secret of Be careful with my heart success

TOP-caliber movie and television director Jeffrey Jeturian shares with ABS-CBN PR the key factors of the country’s no.1 daytime program and ABS-CBN’s first-ever TV drama series shot on high definition camera, Be Careful With My Heart.

Direk Jeffrey co-directs the Jodi Sta. Maria and Richard Yap-starrer with Direk Mervyn Brondial.

Anong masasabi mo sa natatanging ratings success ng Be Careful With My Heart? Inasahan n’yo ba ‘yung mangyari?

“The consistent high ratings of the show is really overwhelming. We did not expect that there is a morning au- dience that big that would propel it everyday to the 5th spot of the top overall TV programs nationwide.  Marami ang nakapapansin at pumupuri sa kakaibang visual quality ng show, ano ang sikreto nito?

“Be Careful with My Heart is the first soap of ABS-CBN that is shot on HD or high-definition camera. That explains the glossy look of the show when people watch it onscreen, plus we shoot the series film-style so it has the feel, look, and ‘magic’ of a movie.”

The story’s simplicity and feel-good tone was able to capture the audience’s fancy. The show doesn’t only leave one feeling romantic everytime, but also with a smile in the heart each time.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply