Civil suit ni Joey de Venecia vs 3 communication firm, dinismis na

DINISMIS na ngayon ng Quezon City court ang civil suit na isinampa ng negosyanteng si Jose “Joey” De Venecia III kaugnay sa pagpalya ng tatlong telecommunication firms na ipatupad ang pagbawas ng buwis sa interconnected text messages.

Sa 5-pahinang kautusan, sinabi ni Judge Ralph Lee of the QC Regional Trial Court Branch 83 na ang korte ay walang hurisdiksyon sa kaso dahil ang sangkot dito ay “quasi-judicial function” ng National Telecommunications Commission (NTC).

Giit niya na ang “rate-fixing” ay kinakailangan ng technical examinations at isang  specialized review ng eksaktong detalye na ipinagkatiwala sa NTC lamang at hindi ng lokal na korte.

Kilala ang NTC na isang ahensiya ng gobyerno sa ilalim ng  Commission on Information and Communications Technology na responsable para sa supervision, adjudication at control sa lahat ng telecommunications services sa buong bansa.

Nitong nakaraang Mayo lamang, hiniling ni De Venecia, na pangaya na anak ni dating House Speaker Jose De Venecia, ang korte na magpalabas ng temporary restraining order laban sa 3 telcos para patigilin silang sumingil ng mahigit sa 80 sentimos para sa interconnected text messages.

Pero dahil walang aksyon ang NTC sa  “blatant overcharging” ng telco companies, sinabi ni De Venecia na napilitan na siyang magkasa ng legal action para sa kapakanan ng publiko.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply