CJ Sereno bantay sarado sa NUPL

BANTAY sarado ngayon sa National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) grupo ng mga progresibong abogado,  ang mga hakbang at ilalabas na desisyon ni Chief Justice Sec. Gen. Ma. Lourdes Sereno.

Sinabi ni NULP Sec. Gen. Atty. Edre Olalia na mahalaga umano na magkaroon ng tiwala ang taong bayan sa panunungkulan ng punong mahistrado.

Binigyang diin ni Olalia na kailangang makita ng publiko ang pagiging independent o determinado ni Sereno sa iba’t ibang isyu.

Iginiit ni Olalia na dahil si Sereno ang pinakabata at ang unang babaeng punong mahistrado, naging bahagi na ito ng kasaysayan at kailangang pag-butihin ang kanyang serbisyo.

Tiniyak naman ni Sereno na magiging ‘independent’ ang kanyang liderato mula sa administrasyon matapos magduda ang ilang sektor dahil sa relasyon nito sa palasyo ng Malakanyang.

Inihalimbawa ng oposisyon ang kaso ng Hacienda Luisita na pumabor kay Pangulong Benigno Aquino.

Nangako si Sereno na magiging malaya ang High Court mula sa impluwensya ng Malakanyang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply