CJ Sereno gagamiting kalasag ni Aquino vs kaso ng rights violation ng AFP

NABABAHALA ang grupong Save Bondoc Peninsula Movement na gagamitin lamang ni Pangulong Benigno Aquino na kalasag si Chief Justice Maria Lourdes Sereno laban sa mga legal na aksyon ng mamamayan na naging biktima ng mga di-makataong batas ng gobyerno.

Ayon sa grupo na tinawag ang mga sarili na Bakwet, sila ay nasa National Capital Region ngayon dahil napilitan silang lumikas, hindi dahil sa bagyo o baha, kundi ay dahil sa bangis ng mga militar sa kanilang lugar na nagdulot na ng di-mabilang na paglabag sa karapatang pantao.

“Nakapagtala na kami ng mahigit 200-human rights violation victims dahil sa mga abusong-militar mula noong Enero 2011 at ito ang nagtutulak ngayon na lisanin ng mga tao ang kanilang lugar” pahayag ni Rjei Manalo, isa sa mga convenor ng grupo.

Ayon sa grupo hindi maaring tumindig ang marching order at paghamon ni Aquino sa bagong hepe ng hudikatura na “ibalik ang tiwala ng mamamayan sa justice system”, kung ang Pangulo mismo ay sangkot sa sangkaterbang kontra-mamamayang patakaran at programa.

Inihalimbawa ni Manalo ang deployment ng bata-batalyong militar sa South Quezon at Bondoc Peninsula na diumano’y may basbas ng Oplan Bayanihan, ang counterinsurgency program ng administrasyong Aquino.

“Malawakan ang rekrutment ng mga sundalo sa mamamayan para piliting maging CAFGU. Ang panakot pa ng mga ito, kung hindi ka sasapi sa CAFGU ay komunista ka.

Unconstitutional ang pag-iral ng CAFGU. Matagal na itong debate at napapanahon na para buwagin ito. Tumindig dapat si CJ Sereno kaugnay sa malawakang militarisasyon sa bansa,” paliwanag ni Manalo.

“Noong nakaraang taon, isang 17-anyos na kabataan mula sa Batangas ang nabaliw dahil sa hirap na dinanas niya matapos siyang marekrut na CAFGU sa kanilang lugar,” paghahalimbawa ni Manalo.

Matatandaang ang constitutionality ng Citizen Armed Force Geographical Unit o CAFGU ay matagal nang nakabinbing usapin sa hudikatura.

Sa inilabas na pahayag ng grupo, mula sa mahigit 200-biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa lalawigan ng Quezon, ang apatnapu (40) rito ay kababaihan at 26 naman ay mga bata o menor-de-edad. Pinakamarami ang mga kaso ng pananakot at harassment, kasunod ang mga ilegal na pag-aresto at tortyur.

Tampok ang kaso ng isang 27-taong-gulang na dinukot at tinortyur ng 85th IBPA (Infantry Battalion Philippine Army). Ang biktima ay may problema sa pag-iisip.

“Hindi garantiya ang pagiging babae ng bagong Chief Justice para kumampante kami na maitataguyod ang karapatan ng kababaihan at maralita sa lipunan,” dagdag ni Manalo na siya ring secretary general ng grupong Gabriela sa Southern Tagalog

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply