CJ Sereno lalayo sa media interviews

HINDI magpapaunlak ng media interviews si Chief Justice Maria Lourdes Sereno upang mapanatili ang “dignified silence” ng Korte Suprema.

Sa pahayag na inilabas ni Sereno, nais niyang ibalik ang panahon na naririning lamang ang mga mahistrado ng Korte Suprema sa kanilang mga desisyon at aksyon sa mga inilalabas na resolusyon.

Sinabi ni Sereno na kung tatanggap man siya ng media interviews kailangang may kasunduan sa kanya at sa kanyang staff ang legitimate media personalities hinggil sa haba at lawak ng panayam gayundin sa panahon at iba pang operational matters.

Ipinaalala rin ni Sereno na ang hudikatura ay hindi political branch ng pamahalaan.

Kakaiba aniya ang tungkulin ng Korte Suprema kumpara sa lahat ng public institutions at ang pangunahing mandato ay balansehin ang lahat bago maglabas ng desisyon.

Nangako rin ang bagong Punong Mahistrado na magiging mabilis sila sa pagtupad sa kanilang mandato subalit titiyaking ang bawat aksyon ay magiging malinaw at mapaninindigan.

Nangako rin si Sereno na babalangkas ng mga paraan upang maiparating sa media at sa publiko ang mga impormasyon hinggil sa korte.

Sinabi ni Sereno na makikipagpulong siya sa iba’t ibang yunit ng korte suprema sa mga susunod na araw upang pag-usapan kung paano ipararating sa media at sa publiko ang mga update sa kanilang mga aksyon.

Nangako ang babaeng punong mahistrado na bubuo ng mga paraan upang makatugon pa rin sa mga pangangailangan ng media sa tamang panahon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply