CJ Sereno, pasado sa psychological test – Mejia

TINIYAK na ng isa sa mga miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC) na pumasa sa psychological test si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno taliwas sa naglabasang report na bumagsak umano ito.

Ayon kay Jose Mejia, miyembro ng JBC na kumakatawan sa academe, mali ang naunang balita na bumagsak sa psychological exam si Sereno.

Ayon kay Atty. Mejia, kinatawan ng academe sa JBC, bukod sa panayam ay sasailalim din sa psychiatric at psychological test ang sinumang nominado at aplikante upang mabatid kung may kapasidad na manungkulan ito bilang chief justice.

Binigyang diin pa ni Mejia, kahit sino ay maaaring magapply bilang punong mahistrado ng Korte Suprema basta’t nakapagaral ng saligang batas at kayang harapin ang mga kritiko nito.

Sinabi ni Mejia na kung totoo mang bumagsak si Sereno, hindi ito mahihirang o kaya’y mapapasama sa shortlist sa mga pagpipilian na chief justice.

Gayunman, aminado si Mejia na ang naturang usapin ay masasabing technical at sensitibong isyu.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply