Clean up drive sa MM umarangkada na

NAGSIMULA na ang malawakang clean up drive ng mga local government unit (LGU) sa mga lugar na nasalanta ng baha bunsod ng malakas na ulan dulot ng Hanging Habagat.

Isinasagawa ang paglilinis sa Metro Manila lalo na sa Marikina, Maynila at Quezon City na kabilang sa matinding nalubog sa baha ng ilang araw na pag-ulan.

Tiniyak ni Office of Civil Defense, National Capital Region-Head Susana Cruz na tinutulungan nila ang mga LGU sa paglilinis sa mga tambak na basura.

Namamahagi rin sila ng mga relief goods at malinis na inuming tubig sa mga apektado ng kalamidad.

Samantala, naibalik na ang supply ng kuryente, tubig at linya ng komunikasyon sa ilang apektadong lugar kasabay ng patuloy na paghupa ng baha

Samantala, pinag-iingat naman ng Department of Health (DOH) ang mga residente na linising mabuti ang kanilang tirahan dahil sa posibleng kontaminado ng bakterya na maaaring pagsimulan ng sakit lalo na sa mga bata.

Kaugnay nito, pinagtutuunan ng pansin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paglilinis ngayon ng mga kalsada sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA General Manager Corazon Jimenez, nag-iikot sila sa mga naapektuhang subdivision sa Metro Manila upang tumulong sa pagtanggal ng makapal na putik na naipon dahil sa baha.

Sa Linggo naman ay tututok ang MMDA sa paglilinis ng Manila Bay kung saan tone-toneladang basura ang naipon na inanod ng alon sa seawall.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply