Climate change sanhi ng delubyo – Palasyo

MAGING ang Malakanyang ay naniniwala na epekto na ng climate change ang nangyaring delubyo sa bansa bitbit ng bagyong Gener.

“Halata naman po kung gaano kalakas ‘yung—hindi lang po ‘yung bagyo, may kasama pa pong habagat, may kasama pa po doong factor ng climate change. Ilang beses po ba natin nakitang ganoon kataas ‘yung mga alon doon sa parte ng Roxas Boulevard na ‘yon,” ayon kay  Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Sa kabilang dako, biglang bawi naman ito sa pagsasabing walang sinisisi ang Malakanyang sa pagkamatay ng mahigit sa 30 katao dahil sa bagyong Gener.

Ayon kay Usec. Valte na nakatuon ang pansin ng pamahalaan sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Gener at kung paano maiiwasan ang ganitong kahalintulad na situwasyon.

“Tinutulak pa rin po natin ‘yung zero casualty policy po natin. Again, as mentioned in the past few days, that is the target that we continue to set for ourselves. While some may say that that is quite high for a standard, that is what we want,” ayon sa opisyal.

Binigyag diin din ni Usec. Valte na walang kasalanan ang MMDA at DPWH sa nangyaring pagbaha sa Roxas Blvd. noong nakaraang Martes, Hulyo 31, 2012.

“Ano, kung titingnan natin ‘yung kinonstruct (construct) na seawall ng DPWH doon, nakipag-coordinate kasi sila. Meron nang binigay na proposed plan si Secretary Babes Singson to the local government unit, kay Mayor (Alfredo) Lim, nakipag-usap po sila. Kasi po nakita—kung…sana nakita po natin kung gaano kataas ‘yung mga waves ‘nung araw na ‘yon. Kapag tinaasan niyo po, wala na po tayong makikita doon sa bay. ‘Yun din po ‘yung punto ni Secretary Singson doon na kahit taasan po nila ‘yung seawall… hindi na po natin makikita ‘yung bay and they opted for that design. So ngayon, they are looking—nagsa-sandbag po. Kasi may mga gaps po ‘yan e. The local government unit requested for gaps in the seawall para po maka-access ‘yung mga garbage trucks nila. Ngayon po, dahil doon pumasok ‘yung tubig through the gaps also and some of the areas, nagsa-sandbag po ‘yung DPWH and, moving forward, something will have to be done about the gaps in the seawall,” ang paliwanag ni Usec. Valte.

Samantala, kinalampag naman ng Malakanyang ang DPWH para mapabilis ang panukalang flood control projects sa CAMANAVA area.

“Sinabi rin niya kahapon ‘yon. Klaro si Pangulo doon na hindi ‘yung assistance ‘yung nagkulang. Ang tinitingnan natin kung paano pa natin i-improve at paano po natin tatanggalin ‘yung sitwasyon na nagiging ganoon kataas ‘yung baha doon sa mga lugar na ‘yon,” aniya pa rin.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply