Coach Chot Reyes sa mga PBA player: Mag-donate ng P5K sa flood victims

NANAWAGAN si national team head coach Chot Reyes sa mga Philippine Basketball Association (PBA) player na maglaan ng pondo para sa mga biktima ng walang humpay na pagbuhos ng ulan sa Metro Manila at ang malaking bahagi ng Luzon nitong nakaraang Martes.

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account nanawagan ang coach sa mga manlalaro ng liga na mag-donate ng tig-P5,000 bawat isa.

“No need for charity game. If all players and staff in the PBA (approximately 200 people), give P5,000 each, that’s P1-M,” pahayag ni Reyes sa kanyang Twitter account.

“No need for charity game. If ALL players & staff in d PBA (approx 200 pax) give P5k each,thats 1M pesos! Team caps, LESDUDIS!#5kbawatisaPBA.” ayon pa sa kanyang tweet.

Hiniling nito sa mga team captain ng mga PBA team ang pagkolekta ng pondo para sa kanya-kanyang team.

Sa katunayan, personal na itiniweet sina Asi Taulava, Denok Miranda, Doug Kramer, Gabe Norwood, JC Intal, LA Tenorio at Jimmy Alapag para mangasiwa sa pangongolekta.

Ang pagkakasa aniya ng isang charity game ay mas mahirap at mahabang proseso dahil na rin sa ksalukuyang masamang sitwasyon ng panahon.

“Yung expenses? Venue rental, tickets, officials? Who will organize? Kelan pa, e baha sa buong Manila?” paliwanag pa ni Reyes, sa isang tagahanga na nagsabi o nagmungkahing magkasa ng charity game para makakalap ng pera.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply