Coconut industry sa Camarines Norte palalakasin

PALALAKASIN ng mga magsasaka ang coconut industry sa pamamagitan ng binuong technical working group sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ang pagpapalakas sa industriya ay kaugnay sa isinagawang Multi-Sectoral Convergence on Coconut Industry Development kahapon sa bayan ng Labo sa pangunguna ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) at ng Philippine Coconut Authority (PCA).

Layunin din nito na makapagtayo ng organisasyon sa buong Camarines Norte para sa pagpapaunlad sa mga natapos na gawain at malaman ang mga ahensya na maaaring magtulong-tulong dito.

Samantala, ang mga maybahay naman ng magsasaka na nais magkaroon ng pagkakakitaan ay kailangan makipag-ugnayan sa PCA upang turuan ng iba’t ibang gagawing produkto mula sa niyog.

Ang nasabing lalawigan ay may 232,007 ektaryang taniman ng niyog, 100,086 ektarya dito ay mayroong 8,670,814 puno ng niyog at 7,557,180 ang mga bagong tanim

Ang bunga ng niyog ay isa sa produktong tinatangkilik ngayon sa Maynila na mabentang inumin sa bawat mall at ibang lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply