Collectors ni Gen. Decano at little mayor sa Angeles

WALANG pakialam si NPD Director C/Supt. Antonio Decano sa mga inilalathala ng media tungkol sa collection activities nina Jojo Cruz at Major Lleva, tutal ay paretiro na siya sa Disyembre.

Ang mahalaga kay Gen. Decano ay makapag-ipon ng husto para maraming baon.

Ito, parekoy, ang ibinulgar ng isang opisyal mismo sa NPD na ayaw magpakilala.

Kumpirmado, aniya, na kumukolekta mula sa mga iligal sa buong Caloo-can, Malabon, Navotas at Valenzuela itong sina Cruz at Lleva.

Kumpirmado rin aniya na nakararating kay Gen. Decano linggo-linggo sa pama-magitan ng “bagman” na si Major Lleva ang collections.

Ang hindi lang umano kumpirmado ay kung gaano kalaki ang bukol ni Gen. Decano  dito kay Major Lleva. Hak, hak, hak, hak!

Siyanga pala, parekoy, kaya inginunguso na ang gawain ng dalawang ito sa NPD dahil matindi umano kung umasta ang mga walanghiyang ito. Daig pa si Decano!

‘Wag po kayong mag-alala dyan sa NPD, dahil anoman ang asta at astig nina Jojo Cruz at Major Lleva ay hanggang Disyembre na lang ‘yan.

Dahil pag-retiro ni Decano ay tiyak na magpapalit-collectors na naman ang bago!

Kalakaran na ‘yan, parekoy, sa bagong upo na director.

Kaya lang, sa paglayas ni Decano ay dapat itapon na rin sa Mindanao ang dalawang ito!

-o0o-

KUNG may ipinagmamalaking Jesse Robredo ang Naga City, may isinusuka namang Jessie ang Angeles City, Pampanga.

Itong si Jessie Eres parekoy na kilala bilang “little mayor” ay siya umanong humahawak ng collection mula sa iligal na sugal, putahan, iligal na mga vendor at maging sa iligal na quarry.

Matindi kung umasta itong si “Mayro Eres”  kaya takot sa kanya maging ang mga pulis sa Angeles City dahil sa pangungunsinti ni Mayor Ed Pamintuan!

Sa ganang akin, kapag kinunsinti ng Mayor ang iligal na gawain ng isang collector ay tiyak sa kanya napu-punta ang collection!!!

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking prog-ramang  “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 09098992775

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply