Comelec kay Abalos: ‘Di pa tapos ang laban

IGINIIT ng Commission on Elections (Comelec) na hindi sa pagpayag ng korte na makapagpiyansa si dating Comelec Chairman Benjamin Abalos Sr. nagtatapos ang laban sa kasong electoral sabotage na kinakaharap nito.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, dahil sa nangyari ay lalo pa nilang palalakasin ang kaso lalo na at pagkatapos aniya ng bail hearing ay tutungo na sila sa main case.

Iginiit rin ni Jimenez na isa lang naman ang testigo na iprinisinta nila sa korte para sa petition for bail ni Abalos, sa katauhan ni dating North Cotabato Election Officer Yogie Martirizar.

Sinabi pa nito na sa ngayon ay hihintayin muna nila ang kopya ng resolusyon ni Pasay Regional Trial Court (RTC) Branch 112 Judge Jesus Mupas bago gumawa ng anumang hakbang.

Dito aniya nila tutukuyin kung iaapela pa nila ang desisyon ng Pasay RTC o hindi na.

Magugunitang una na ring nakapagpiyansa si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nahaharap din sa kasong electoral sabotage.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply