Comelec: Mga PCOS machine sa bodega, ligtas

LIGTAS ang mga PCOS machines na nakaimbak sa isang bodega sa Laguna na lubhang naapektuhan ng pagbaha. Ito ang tiniyak ngayon ng Commission on Elections.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brilliantes, nasa kustodiya ng Smartmatic International Corp, ngayon ang mga naturang makina at mahigpit na sini-secure ng kompaya.

Ang buong Laguna ay isa sa isinailalim sa state of calamity dahil sa malawakang pagbaha doon bunsod ng ilang araw na walang humpay na pag-ulan.

Ang mga biniling PCOS machines ng Comelec na nagkakahalaga ng P1.8 bilyon ay gagamitin para sa mid term elections sa susunod na taon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply