Comelec naghain ng MR vs paglaya ni Abalos

NAGSAMPA ng motion for reconsideration (MR) sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) ang Commission on Elections (Comelec) sa pansamantalang paglaya ni dating Comelec Chairman Benjamin Abalos.

Ayon sa Comelec, matibay ang naging testimonya ni dating Cotabato election supervisor Yogie Martirizar laban sa dating Comelec chairman.

Matatadaang ipinahayag ni Pasay RTC Branch 112 Judge Jesus Mupas na inilabas niya ang resolusyon sa bail petition ni Abalos dahil nabigo ang Comelec na mapatunayang may kinalaman ito sa umano’y pandaraya noong 2007 elections sa Cotabato.

Diringgin ng korte ang mosyon ng Comelec sa Setyembre 13 kasabay ng pre-trial ni Abalos.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply