Comelec: National PWDs registration sa Aug.11 na

ITINAKDA ng Commission on Elections (Comelec) ang Agosto 11 bilang National PWD Voter Registration Day.

Kaugnay nito, sinabi ni Comelec Commissioner Rene Sarmiento na sa nasabing araw ay magsisimula nang muli ang poll body na tumanggap ng mga application for registration mula sa mga persons with disabilities (PWDs).

Nilinaw naman ni Sarmiento na ang registration period para sa PWDs ay hindi isang araw lamang kundi magtatagal hanggang sa Oktubre 31.

Ayon kay Sarmiento, ang mga PWDs ay maaaring magtungo sa mga tanggapan ng Comelec na malapit sa kanilang lugar upang isumite ang kanilang applications for registration.

Una nang itinakda ang National PWD Voter Registration Day noong buwan ng Hulyo, kasabay ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week.

Gayunman, kinailangan itong i-reschedule matapos na suspendihin ng Comelec ang nationwide registration noong nakaraang buwan upang bigyang daan ang general registration of voters sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Binigyang-diin ni Sarmiento na ang National PWD Voter Registration Day ay isang espesyal na araw para sa mga PWDs dahil sa nasabing araw ay pinararangalan ang mga PWD voters sa pamamagitan nang pagbibigay sa kanila ng kapantay na karapatang makaboto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply