Comelec officer tinambangan, patay sa riding in tandem

BINAWIAN na ng buhay ang Commission on Elections (Comelec) officer ng Isabela City sa Basilan na tinambangan kahapon.

Nabatid na pauwi na ang biktima na si Daryll Kinazo Arevalo, 45, nang barilin ng riding-in-tandem  sa may highway ng Barangay Baluno, Lamitan City, Basilan galing sa opisina ng Comelec upang mag-supervise sa unang araw ng special registration day .

Hindi pa matukoy hanggang sa kasalukuyan ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

Samantala,lumalabas naman sa imbestigasyon ng pulisya na posibleng may kinalaman sa kanyang trabaho kung kaya siya pinaslang.

Maaari rin umanong ang dating posisyon nito bilang election officer ng Albarka Municipality ang dahilan kung bakit siya pinaslang kung saan may ilang pulitiko rin doon ang nagalit sa kanya.

Itinuturo rin ang marital problem nito ang motibo ng pamamaslang dahil napag-alaman na hindi na nagsasama sa iisang bahay ang biktima at misis nito na umano’y ibang lalaki na ang kinakasama.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply