Comelec: Partylist hindi na alphabetical

SINABI ngayon ng Commission on Elections (Comelec) na hindi na magiging alphabetical ang listahan ng mga partylist sa balota upang maging patas ang laban.

Ang pagbabago ay alinsunod sa bagong resolusyon na hindi na magiging alphabetical kundi ira-raffle na kung sino ang magkakasunod-sunod sa listahan.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, nag-uunahan ang mga partylist sa pagkuha ng pangalang nagsisimula sa letrang “A” o number “1” na kadalasang nakakukuha ng mas mataas na boto.

Kaugnay nito, dadaan na sa Comelec en banc simula ngayon ang lahat ng partylist accredition at hindi na sa per division basis lamang, anang Comelec chair.

Nilinaw din ni Brillantes na dadaan pa rin sa division ang mag ito ngunit awtomatikong pag-aaralan ng commission en banc ang mga partylist.

“Dadaan pa rin sa division pero… will now automatically be reviewed by the commission en banc. Hindi ho magiging final ang desisyon ng division unless i-affirm ng en banc,” wika ni Brillantes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply