Complaint, case monitoring, inilunsad ng Ombudsman

UPANG mas mapaayos at mapabilis ang pagreresolba sa mga kasong naihahain  sa korte, inilunsad ng tanggapan ng  Ombudsman ang Complaint and Case Monitoring System (CCMS) para agad na masusubaybayan ang mga reklamo laban sa mga tauhan ng gobyerno.

Ang CCMS ay bahagi ng naaprubahang Information Systems Strategic Plan (ISSP) ng tanggapan ng  Ombudsman para sa taong  2012 hanggang 2014 at bahagi ng 7-year Roadmap (8-Point Priorities) ng ahensiya na nagsimula noong  2011 at magtatapos sa 2018.

Bago maipatupad ang CCMS, ang tanggapan at sector nito ay gumagamit ng ibat ibang sistema at databases na siyang nagpapabagal sa pagbusisi sa mga kasong naisasampa sa Ombudsman.

Mas makatitipid din umano ang ahensiya sa paggamit ng CCMS.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply