Condom scam bigger than fertilizer tongpats

ANG utos ng United Nations (UN) ay i-promote ang condoms at contraceptives sa mga mahihirap na bansa.

Siyempre, may kikita riyan. Kikita riyan ang UN na laging kapos ang pera sa kabila ng katotohanang ang may say lamang sa ahensiyang ito ay ang mga mayayamang bansa na kung bansagan ay G5.

Hindi po ito ang Gang of 5 ni Mrs. Mao Tse Tung. Ito po ang Group of 5 ng US, Britain, Japan, China at Germany.

Hindi kasama sa G5 ang sovereign state of Vatican na ngayon ay bugbog sarado sa bilyong bilyong dolyar na scam sa Vatican Bank at local na diocese sa Pinas kung saan ay maraming perang nawawala at nanakaw umano ng mga obispo o simpleng mga pare na ibinubulsa ang kita ng simbahan.

Don’t get me wrong. Marami akong kaibigang pare na kinikilabutan kapag napag-uusapan ang corruption sa simbahan at mga maling turo sa bibliya. Gusto nilang mag-reklamo pero takot sila. Ayaw nilang sumama sa Gomburza; ayaw nilang magarote ng mga  OBISPO at ng PAPA.

Kontrolado ng G5 ang IMF, World Bank at ang World Trade Organization (WTO) na siyang nagtatakda kung ano ang mga produktong dapat angkatin ng mga mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas, kasama na ang contraceptives.

Billion pesos ang gusto ng Department of Health (DOH) para ipamigay nang libre sa mahihirap ang mga contraceptive. Pero bakit galit ang Vatican sa reproductive health (RH) bill?

Ang Vatican ay umaasa lamang sa abuloy ng mga devotee. Eh sa rami naman nila, bilyon-bilyong dolyar din ang deposito ng Vatican Bank. Paano na ang Vatican church kapag nag distribute na ang DOH ng libreng condoms? Mangongonti ang mga Katoliko.

Liliit ang kita ng Vatican at ng mga diocese sa Pinas.

Ang RH bill ay isang malaking source of graft and corruption. Ako ay galit din sa mga pinuno ng simbahan na ginagamit ang Diyos para lalong paramihin ang mga mahihirap na anak nang anak maski na wala silang trabaho.

Galit ako kay Pope nang tanggapin niya nang libre ang dalawang Volvo sports car sa unang araw ng kanyang term. Galit din ako sa mga obispong nanghingi ng sports utility vehicle sa gobyerno ni Gloria Macapagal Arroyo. Gets niyo na ba?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply