Congressman binatikos sa pagiging relax sa gitna ng kalamidad

INULAN ng batikos ang pagiging relax ng isang Kongresista habang nangangailangan ng ayuda ang kanyang constituents sa gitna ng nararanasang kalamidad sa kanyang distritong nasasakupan.

Gayunman, hati ang reaksyon ng taumbayan sa lungsod ng Cagayan de Oro,
kaugnay sa 55 segundong video ni first district Congressman Benjo Benaldo na kumakalat ngayon sa social networking sites.

Sa video, makikita si Cong. Benaldo na sumusuntok sa punching bag, na nagpapakita ng kaniyang tiger look habang sa dulo ng video ay mayroong nakalagay na “I will always fight for the people of Cagayan de Oro.”

Para sa iba, nagpapakita umano ng pagiging relax ng mambabatas ng unang distrito ng lungsod habang sa ilan, dapat nitong tigilan ang pagpapapogi sa taumbayan.

Maalalang sa lungsod ng Cagayan de Oro, hinahanap ng taumbayan ang
representante ng unang distrito, dahil hindi ito nakatira sa lungsod dahilan para kuwestiyunin ang ito kung alam nga ba niya ang mga problema sa nasasakupang distrito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply