Convoy na maghahatid kay Robredo, handa na

HANDA na ang convoy na maghahatid sa labi ni DILG Secretary Jesse Robredo sa Pili airport, sa Naga City.

Nakaposte na rin ang mga pulis pulis para matiyak ang maayos ang dsaloy ng trapiko at mapanatili ang kaayusan sa airport. Gayundin para matiyak ang seguridad ng mga personalidad na maghahatid sa labi ni Robredo.

Ayon sa report, nagpadala pa ang Philippine National Police Bicol ng 100 karagdagang pulis na magtitiyak sa seguridad.

Isasakay sa private plane ang labi ni Robredo patungong Maynila.

Sa report, idadaan pa sana ang mga labi ni Robredo sa limang barangay subalit nagkaroon diumano ng pagbabago matapos ang pag-uusap kaninang als dos ng madaling araw.

Magkakaroon muna ng misa ngayon umaga bago ihatid sa airport ang labi ni Robredo.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply