Chopper ng grupo ni PNoy nag-emergency landing sa SCTEX

(UPDATE) NAG-EMERGENCY landing ang convoy na limang helicopter ni Pangulong Benigno Aquino III malapit SCTEX dahil sa mababang kaulapan at zero visibility sa bahagi ng Tarlac.

Kasama ng Pangulo sa convoy ang mga miyembro ng Gabinete na kinabibilangan nina Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo, Social Welfare and Developlment Secretary DInky Soliman, Press Secretary Ricky Carandang at Public Works and Highways Secretary Singson.

Dahil dito, lumipat na lamang sila sa mga sasakyan upang makaiwas sa disgrasya.

Binagtas na lamang ng Pangulo at kanyang entourage ang daan patungo sa mga evacuation site sa Paniqui Tarlac kung saan naghihintay ang 500 pamilya na lumikas sa kanilang mga tahanan.

Sa kabila ng pagsikat ng araw sa Metro Manila, nananatiling maulap sa bahaging ito ng luzon kung saan nagbabadya ang pagbuhos ng ulan na dulot ng Habagat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply