Convoy ng alkalde sa Sulu tinambangan, 3 SAF patay, 2 kritikal

NASAWI ang tatlong miyembro ng Special Action Force (SAF) habang dalawa pa ang kritikal makaraang tambangan ng mga armadong kalalakihan ang convoy ng isang alkalde sa may Brgy. Laing-laing, Omar Municipality, Jolo, Sulu.

Ayon kay S/Supt. Antonio Freyra, commander ng Sulu provincial police, niratrat ng armadong grupo ang convoy lulan ng mga pulis na nagsisilbing escort ng alkalde ng Omar municipality na si Mayor Muin Omar.

Kasalukuyan naming nagsasagawa ng imbestigasyon kung may koneksyon sa pulitika ang nasabing pananambang.

Samantala, kabilang ang  tatlong namatay na pulis at ang mga sugatan sa tropa ng 5th SAF ng PNP na naka-deploy sa probinsya ng Sulu.

Patuloy pa rin ang hot pursuit operation ng PNP at militar  sa mga nakatakas na suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply