Corona: Tax evasion case inaasahan na

INAASAHAN na ni dating Chief Justice Renato Corona ang pagsasampa ng kasong tax evasion laban sa kaiya at kanyang pamilya.

Sa isang ipinalabas na statement, tiniyak ni Corona na susundin niya ang legal na proseso sa kinakaharap na kaso at agad tutugon oras na makatanggap ng subpoena.

“I was informed of the filing of a complaint for tax evasion case against me and members of my family. We have long expected this as we have been exchanging communications with the BIR and have complied with their deadlines.”

“As a man of the law, I will abide by the processes. We await the service of the subpoena and the complaint. We will respond accordingly with the assistance of counsel we will engage.”

Iginiit naman ni Corona na patuloy na nakatatanggap ng persecution ang kaniyang pamilya pero tiwala siyang malalagpasan nila lahat ito.

“I agree with the observation of many that my family’s persecution continues with the usual media overkill, and that there appears to be an immediate need to divert public attention from certain issues that are becoming too hot to handle. By the grace of God, we will overcome. This too will come to pass.”

Una nang kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) si Corona, anak na si Carla at manugang na si Constantino Castillo III ng P150.68 milyong halaga ng tax evasion.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply