Councilor’s Cup, ilulunsad sa Navotas

ILULUNSAD sa araw ng Lunes, ika-3 ng Setyembre ang 1st City Councilor’s Cup upang mapalaganap ang healthy lifestyle ng mga residente sa pamamagitan ng patuon ng pansin sa sports ng sa gayon ay maging maayos at tahimik ang pamumuhay imbes na sa iligal na gawain mapukaw ang kanilang interes.

Magkakaroon ng Sport tournament tulad ng dart, chess, volleyball at basketball, na pamumunuan nina Coun. George So, Ricky Gino-gino, Eddie Mano, Elsa Teodoro at Richard Sn Juan na isang buong linggo gaganapin.

Samantala, maglulunsad rin ng isang fun bike na may temang ‘Sama na, sali na Padyak na! Sama-samang itaas ang antas ng buhay Navoteño.

Ayon kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco, ang aktibidades na ito ay nagpapakita lamang ng pagkakaisa ng mga konsehal ng lungsod at umapaw sa galak ang kanyang puso sa adhikain ng mga konsehals at patuloy na pagsuporta ng mga ito sa kanyang mga proyekto na sasabayan pa ng isang medical -dental mission sa ikatlong linggo ng buwan.

Kasama din sa selebrasyon ang anti-dengue campaign ni Coun. Boy Vicencio at pamamahagi ng mga notebooks at writing kits sa Navotas City Day Care Centers.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply