DA: Produksyon ng pagkain sa bansa sapat

TINIYAK ngayon ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang
produksyon ng pagkain sa buong bansa.

Ayon sa DA hindi maaapektuhan ang pagkain kahit binayo ng bagyo at Hanging Habagat na siyang nanalanta ng 20 probinsya sa Luzon at Visayas.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala halos 25,958 ektarya ng pananim ang nalunod sa baha habang 20 probinsya sa Luzon at Visayas

Kabilang na ang Regions I, II, III, VI at CAR ang apektado ngunit kaya naman umano itong bawiin.

Matatandaang, umabot sa may 152.13 milyong piso ang nalugi sa rice sector na sinundan naman ng mais na nalugi ng may 7.74 milyong piso habang umabot naman sa 10.62 milyong piso ang nalugi sa mga gulay at iba pang pananim samantalang P2.28 milyon naman sa mga palaisdaan ang nasira.

Ang pinakamatinding tinamaan ng naturang kalamidad ay ang Benguet, La Union at Pangasinan na karamihan sa naapektuhan ay ang kanilang mga pananim na gulay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply