Daang pamilya sa Cotabato City lumikas dahil sa BIFM

TINATAYANG daang pamilya ang nagsilikas sa Cotabato City bunsod ng pagpapatuloy sa isinasagawang massing of troops ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) sa hangganan ng Maguindanao.

Nabatid na nagsilikas ang mga residente sa mga liblib na barangay sa bayan ng Pikit at Aleosan, North Cotabato dahil natatakot ang mga itong sumiklab ang kaguluhan nang mamataan nilang may mga rebelde sa kanilang lugar.

Kaugnay nito, nagdagdag na rin ng puwersa ang 6th Infantry Division sa pangunguna ni chief M/Gen. Rey Ardo sa Cotabato-Davao highway na target pasukin ng BIFM sa pamumuno ni Ustadz Ameril Umbra Kato.

Kaagad namang rumesponde si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza at tumulong na magbakwet, kasama sina Aleosan Mayor Loreto Cabaya at Pikit Mayor Sumulong Sultan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply