Dagdag pasahe sa MRT, LRT – pinalagan

KINONDENA ni Bayan Muna Party-list Rep. Teddy Casino ang napipintong pagtataas ng pamasahe sa MRT at LRT sa susunod na taon.

Binigyang diin ni Casino na tungkulin at responsibilidad ng estado na magbigay ng subsidiya sa  mga railway dahil ito ay nalilibre sa pagbabayad ng buwis at government fees at hindi na kailangang makalikom ng private profits hindi tulad ng mga pribadong bus, jeep at taxi.

Ang kailangan lamang, aniyang, ipatupad ng pamunuan ng MRT at LRT ay maitama ang mga mabibigat at maling kontrata upang direktang mapupunta sa kita sa halip na dagdagan ang ibabayad ng publiko sa kanilang pamasahe.

Ani Casino, ang MRT at LRT lamang ang inaasahan ng milyon-milyong mananakay sa mabilis na transportasyon at hindi makatarungang tataasan pa ang singil dito.

Hinimok pa nito ang publiko na mariing tutulan ang pagtataas pasahe sa MRT at LRT sa kabila ng mga nagtaasan ding singil sa mga pangunahing bilihin, langis, kuryente, tubig at LPG.

Sa budget deliberations ng Department of Transportation and Communication ay kinumpirma ni Secretary Mar Roxas na wala ng atrasan ang pagpapatupad ng dagdag singil sa pasahe ng MRT at LRT sa susunod na taon .

Maaari, aniyang, ipantaya sa pamasahe ng bus ang pamasahe sa MRT at LRT subalit tiniyak niyang hindi naman ito lalagpas ng P30.

Matustusan ang ibang mga proyekto sa mga lalawigan at hindi lamang puro sa Metro Manila nakasentro ang subsidiya ng pamahalaan.

Naunang naudlot ang pagtataas ng pamasahe sa MRT at LRT nitong nagdaang buwan ng Enero ng taong ito sa kautusan na rin ni Pangulong Aquino upang mabigyan aniya ng pagkakataon ang mga mananakay ng sapat na panahon upang ito ay mapaghandaan.

Samantala,  sinabi ng grupong Anakpawis na hindi makatarungan ang planong pagtataas ng pamasahe sa light at metro rail transit.

Ayon kay Anakpawis vice-chairperson Fernando Hicap, bayad na ng mga pasahero ang tunay na presyo ng pamasahe at tanging ang pagsisiguro ng tubo ng mga bankong nagpautang sa LRT at MRT ang gustong masiguro ng pagtataas ng pamasahe.

Sa katunayan, dagdag ni Hicap, binabayaran na nga ng kasalukuyang pamasahe ang pagbabayad sa mga bangkong nagpa-utang sa pagtatayo ng mga tren.

Huwag daw sanang pag-awayin ng gubyerno ang mga nagbabayad ng buwis sa Kamaynilaan at sa probinsiya dahil pareho namang hindi sulit ang serbisyong nakukuha mula sa gubyerno, ayon pa sa lider-Anakpawis.

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply