Dalagita ginahasa ng trike driver, 1 pa

NAPARIWARA ang kinabukasan ng isang dalagita nang halinhinan itong gahasain ng trike driver at kasama nito sa Pangasinan, kahapon ng hapon.

Pinauwi naman at hindi pinatay ang biktima na itinago sa pangalang Margerie, 16-anyos ng Lingayen, Pangasinan.

Wala namang ideya pa ang Lingayen PNP, kung sino ang nasa likod ng panghahalay pero nagtatanong-tanong na sa mga residente para makilala ang mga suspek.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-5:00 hanggang alas-5:30 ng hapon sa isang hindi malamang pangalan ng ilog.

Ayon sa biktima, pinara niya ang mag suspek na magka-angkas sa traysikel at nagpahatid sa bahay ng kanyang kamag-anak na nasa kabilang barangay lamang.

Imbes na dalhin doon, dinala siya ng mga suspek sa naturang ilog na walang tao at doon halinhinang ginahasa bago pinauwi rin matapos kapwa makaraos.

Dahil dito, nanawagan ang pulisya sa publiko lalo na sa mga kababaihan na mag-ingat sa pagsakay ng traysikel.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply