Dalagita nabundol ng parak, tepok

AGAD na nasawi ang isang dalagita makaraang mabundol ng motorsiklo na minamaneho umano ng isang pulis sa Baao, Camarines Sur.

Nabatid na tumatawid sa kalsada ang biktimang si Rocil Tubo, 11, nang umano’y mabundol ng suspek na si PO1 Romnick Mendez lulan ng isang motorsiklo kasama ang isa pang pulis na si PO1 Mark Lawrence Magdasok.

Sinasabi pa na wala umanong driver’s license ang mga naturang pulis.

Agad na nasawi ang biktima makaraang magtamo ng matinding tama sa ulo at katawan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply