Dalawa dedo sa pananambang sa Sulu

PATAY ang dalawa katao makaraang tambangan ng armadong grupo sa Brgy. Upper, Kasulutan, Sulu kagabi.

Nakila ang isa sa mga nasawi sa pangalang Kris, isang local Tausug Chinese businessman at ang isang nursing student ng Sulu State College na kinilalang si Ms. Batarao.

Naganap ang insidente pasado alas-8:00 kagabi kung saan bigla na lamang umanong pinagbabaril ng armadong grupo ang dalawang biktima habang sakay ang mga ito sa kanilang sasakyan.

Kaagad namang dinala sa ospital ang dalawang biktima ng mga rumespondeng pulis subalit namatay din ang mga ito dakong alas-8:30 kagabi habang ginagamot dahil sa mga tinamong matinding tama ng bala sa katawan.

Hindi pa rin batid ng awtoridad ang motibo ng pamamaslang habang inaalam pa rin ang pagkakakilanlan ng mga suspek na agad na nakatakas matapos ang insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply