Dalawa pang hazing victim, hawak na ng Cavite PNP

Camp Vicente Lim – Kasunod ng pagkamatay ni Marc Andrei Marcos sa hazing, dalawang biktima pa ng initiation rite na kasama sa 9 estudyante ng San Beda Law ang lumitaw at hawak na ngayon ng Cavite Provincial Police Office.

Sa press conference sa Camp Vicente Lim  kanina, sinabi ni Cavite Provincial Director PSSupt. Jhon Bulalacao na hawak na nila ang dalawa pang biktima ng hazing matapos may tumawag sa kanyang tanggapan na mga miyembro ng Lex Leonum Fraternitas para magbigay ng testimonya sa naganap sa Dasmariñas Cavite, ikinamatay ng biktima.

Sinasabing ang dalawang biktima ay batchmates ni Marcos na may edad 21, at kusang nagprisinta ng kanilang mga sarili bilang mga biktima rin ng hazing.

Sa panayam, positibo ang dalawang biktima sa “hematoma”  na patuloy pang nilalapatan ngayon ng lunas.

Magugunita na noong July 28 ay nagpunta ang mga biktima sa farm na pag-aari ng pamilya ng suspek na si Gian Angelo Velus, 3rd year law student ng San Beda Alabang, tumayo bilang huddler rites na ngayon ay pinaghahanap pa ng batas.

Sinabi ni Bulalacao na ang anim pang kasama sa hazing na kinabibilangan ni Gian Veluz, dalawang maids at tatlong lalaki  ay posibleng maging suspek kung hindi sila lilitaw.

Magugunita na natagpuan ang biktima sa farm ng suspek noong July 30, 2012 sa Dasmariñas, Cavite at dinala sa pagamutan ng dalawang katulong na sina Solidad at Marlyn, tagaluto sa nasabing farm.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply