Daniel Padilla, dapat matutong makisama!

HOY, laos yang GMA channel 7, (Ang puso mo, Dominic. Be cool, pare! Hahahahahahaha! – Ed) huwag ninyong buhatin ang inyong sariling bangko claiming that number one network kayo at number one ang mga teleserye ninyo, noh!

Either Kantar man yan o AGB ay huwag na kayong mag-ambisyong nagre-rate mga palabas ninyo mula umaga hanggang gabi dahil ang totoong number one network at number one pagdating sa mga shows mula umaga hanggang gabi ay ang nag-iisang number one, Kapamilya Network!

Huwag kayong palaka! Umpisa Umagang Kay Ganda, hanggang KrisTV lalo na pagpasok ng Be Careful With My Heart, kilig serye nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap, hanggang Its Show- time ay talbog na talbog kayo noh! (Parang hindi, ate. Hahahahahahaha! In fairness, super ang lakas ng Eat Bulaga. – Ed)

Gosh! How dare you say that kayo pa rin ang number one network! Hindi ba kayo naloloka lalo na sa pagbongga ng mga afternoon shows ng ABS. Nariyan ang Angelito, Aryana, TV Patrol at City Hunter.

Pagpasok naman ng gabi ay umaariba na ang Princess and I, Walang Hanggan, Lorenzos Time, Kahit Pusoy Masugatan! Hay naku! Dreamers! Weekly basis lang yan huh! Umaariba rin ang Sabado at Linggo shows ng ABS kung hindi n’yo lang alam huh? Hay naku! Stop pretending! Accept the reality!

***

NALOLOKA naman kami ngayon sa mga nasasagap naming negative comments patungkol sa anak-anakan naming si Daniel Padilla!

Unang tinanong sa amin ay kung totoong personal twitter account daw ba ni Daniel ang gamit nito?

Ang sagot namin ay hindi namin alam. Kasi raw, hindi man lang daw makasagot ang young actpr sa kanyang fans and followers na kung magpakita ng suporta sa kanya ay abot hanggang langit daw!

Hindi man lang daw makapag-tweet ito kung anu-ano ba ang kanyang mga upcoming shows kung saan sa pamamaraang iyon man lang daw ay maibsan ang longings ng kanyang mga fans sa kanya.

Kaya nga raw nawawalan ng gana ang ilang fans sa aming anak-anakan ay dahil tipong cold daw si Daniel sa kanila.

Sa puntong iyan ay hindi na po namin hawak ang pribadong buhay ni Daniel.

Tsika pa ng isang fan, pinipili lang daw ng young actor ang kanyang sinasagot!

Well, sa aspetong yan since marami na rin ang nakararating sa aming kuwento, mamarapatin na naming magsalita.

Minsan po kasi kapag ang artista ay nahihilo na sa kanyang ginagawa ay hindi niya na po alam minsan ang bukas at ngayon. May mga artista po talagang sadyang nag-iiba nang ugali lalo nat nababalutan na ito ng kasikatan.

Hindi na nila alam na bukas makalawa ay wala na siyang kinang at wala ng tao sa kanyang kaparangan.

Mahirap magsalita dahil hindi naman po natin nakikita ang kanyang ginagawa sa araw-araw pero dapat sigurong matuto rin si Daniel na pasalamatan ang kanyang mga tagahanga dahil ang mga ito naman talaga ang nagbigay sa kanya ng kinang at buhay sa kasikatang kanyang tinatamasa sa ngayon!

Daniel, pansamantala lamang ang kasikatang iyan dahil ang tunay na bala sa industriyang ito ay ang tunay na pakikisama kapwa!

Tandaaan mo yan!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply