Dapat nang ikanta ni Divine Lee ang pinagtataguan ng kanyang tatay

NAKAAAWA din ang kalagayan ni Divine Lee at mga kapatid nito. Ipinapako na sila sa krus ng mga taong naging biktima ng kanilang ama sa Globe Asiatique (GA) scam. Si Divine ay araw-araw dinudurog ng kanyang mga bashers kanyang Twitter account.

Samantalang ang kanyang bunsong mga kapatid ay nilalait sa mga pinapasukan nilang schools.

Kung gusto talaga ni Divine nang katahimikan, dapat ituro niya ang pinagtataguan ng kanyang ama. Hindi naman siguro siya makokonsensiya ng todo kapag ginawa niya ito dahil hindi naman bibitayin ang kanyang tatay kapag nahuli ito. Makukulong lamang ito ngunit magkakaroon ng pagkakataong makapagpaliwanag sa korte.

Hindi uubra ‘yang mga paawa effect niya sa publiko. Marami rin kasi ng hindi naniniwalang hindi niya alam at hindi siya involve sa pinaggagawa ng kanyang fadir.

***

‘Ang Latest’ ng TV5 walang bago

WALANG bago sa Ang Latest. Parang Juicy lang ito na walang kakatas-katas. May mga baon-baon pa rin silang nalalaman na akala mo’y kakaiba ang sasabihin eh, pralala lang pala. Si Mr. Fu, kulang pa sa awtoridad para maging host ng isang showbiz talk show.

Nandiyan naman si Arnell Ignacio na mas mahusay at nakatutuwang panoorin bakit hindi ito ang kunin nila. Si Lucy Torres, bagama’t matalino, wala namang kabuhay-buhay. Pinaglumaan na rin ang estilo ni CSF. Para siyang laging nasa kompetisyon ng balagtasan.

***

Ate Vi isang magandang halimbawa sa mga artistang nagiging politiko

MARAMING kapwa artista ang gumagamit kay Vilma Santos at ginagawa siyang isang magandang halimbawa bilang artistang tunay na naglilingkod sa kanyang constituents. At ngayong malapit na ang mid-term election ay tiyak na sari-saring puna na naman ang ikukulapol sa mga alagad ng sining na kumakandidato.

Salamat kay Ate Vi at pinatunayan niyang mali ang pagtingin nila sa mga katulad niyang umaarte sa katsang telon pero dibdiban ang trabaho at seryoso sa pagtulong sa kapwa sa personal na buhay.

***

Aga puro porma walang plano

NATUWA kami nang i-add kami ni Aga Muhlach sa kanyang Facebook account. Tinanong ko siya kung siya ba talaga ang personal na humahawak sa FB o may administrator siya rito, sabi niya, siya raw mismo at wala nang iba. Nang tanungin ko siya kung sino makahaharap niya sa eleksiyon, sinabi niya ang pangalan ng kalaban. Huling tanong ko sa kanya, ano naman ang mga plano niya para sa aming distrito sa Camarines Sur, wala na siyang sagot hanggang ngayon. Bagkus, puro pictures na lamang ng mga pinupuntahan niyang lugar sa Bicol ang naka-post sa kanyang FB account.

Interesado kaming malaman kung ano ang gagawin niya para sa aming lugar dahil tagaroon kami at gusto naming magkaroon na nang pagbabago rito. Kahit konti man lang ay walang masabi itong si Morning. Bagama’t malayo pa ang eleksyon, dapat may naiisip na siyang gawin hindi ‘yung puro dakdak lang at papogi.

***

Sylvia Sanchez hahanapin ang tatay sa susunod na taon!

PLANO ni Sylvia Sanchez na hanapin ang kanyang tatay sa susunod na taon. Balita niya nasa Brazil daw ito. Pupuntahan niya ito kasama ang kanyang mga anak para makilala naman daw ang kanilang lolo at upang makausap din niya ito para sabihing hindi siya galit.

Mula raw kasi noong tatlong taon pa lamang siya ay iniwan na siya ng kanyang tatay. Nagtrabaho lang daw ito bilang isang seaman pero mula noon hanggang ngayon ay hindi na niya ito nakita. Nabalitaan niyang nahihiya at natatakot na raw itong bumalik sa kanila dahil baka sumbatan daw niya.

Ngayong may sarili na rin daw itong pamilya, gusto ni Sylvia na magkakila-kilala naman silang magkakadugo. At gusto rin niyang pasalapatan ang kanyang ama. Kung di daw dahil sa pagpapabaya nito sa kanila ay hindi siya pagiging matatag at magiging marunong sa buhay. Hindi raw niya ito susumbatan, bagkus yayakapin pa niya ito nang mahigpit dahil miss na miss na niya ito.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.co m at maari rin kaming mapakinggan sa Star na S tar sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.    

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply