Daughter ni Samboy Lim naka-gold sa International Karatedo Junior sa S. Korea

PROUD daddy ngayon ang dating sikat na basketbolista na si Samboy Lim matapos makasungkit ng dalawang gintong medalya ang anak nitong si Jamie Christine sa kakatapos na International Karatedo Junior, Cadet and Children Game na idinaos sa Busan, South Korea.

Sa ulat sa radyo, hindi umubra sa 15-anyos na Pinay ang nakalabang Iranian at Korean para sa kategoryang 47+ kg kumite fight.

Nag-uwi rin ng gintong medalya ang Pinoy na si Allen Castro, na lumaban sa individual kumite male cadet 52 kg category.

Habang nakakuha naman ng ng dalawang silver at anim na bronze medal ang Pinoy team sa nasabing torneyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply