Dayuhan arestado ng NBI

ARESTADO ang isang Maltese national sa isinagawang entrapment operation ng mga ahente ng national Bureau of Investigation (NBI) sa isang fastfood chain.

Ang pagkakaaresto ni Dominic Gauchi Chircop, 49, Maltese national, at nakatira sa No. 10 Dita St., Western Bicutan, Taguig City noong Agosto 1, ay bunsod ng reklamo ni Minda Quiambao at tatlong iba pa na umano’y pinangakuan nitong makapagtrabaho sa bansang Malta.

Nanghingi umano si Chircop sa mga biktima ng bayad na aabot sa P255,000 bilang kabayaran sa placement at processing fee at sa ticket sa eroplano para sa posisyon bilang security guard, call center agent, office worker at housekeeper na may sahod na 35 Euros kada araw.

Gayunman, hindi pa rin nakaalis ang mga biktima kahit pa nakapagbayad na ang mga ito at nanghihingi pa si Chircop ng karagdagang bayad.

Nang ibinerepika sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), napag-alamang wala umanong lisensya o awtoridad si Chircop na makapag-recruit ng tao upang makapag-trabaho sa ibang bansa.

Agad na pinlano ang entrapment operation ng NBI laban sa suspek, kung saan nakipagkita ang biktima sa suspek sa isang fastfood chain.

Nang makuha ni Chircop ang marked money ay lumapit na ang mga ahente ng NBI at dinakip ang suspek.

Dinala ang suspek sa tanggapan ng NBI at nahaharap sa kasong large scale illegal recruitment at estafa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply