De Lima determinadong mapasama sa JBC shortlist

I WANT to be considered!”

Ito ang matapang na inihayag ni Justice Secretary Leila de Lima, kaugnay sa natakdang pagbuo ng Judicial and Bar Council (JBC) sa final shortlist para sa bagong punong mahistrado ng Korte Suprema.

Sa isang ambush interview bago ang hearing sa proposed budget ng Department of Justice, inamin ni de Lima na umaasa siya na mapapasama sa listahan ng JBC na isusumite kay Pangulong Noynoy Aquino para pagpilian.

Subalit nasa kamay pa rin aniya ng JBC kung mapapabilang siya sa shortlist, lalo’t alam naman daw ng lahat na ni-reject na ng Integrated Bar of the Philippines ang kanyang apela kaugnay sa kinakaharap niyang disbarment cases.

Nang matanong naman kung nagka-usap na sila ni Pangulong Aquino, inamin ni de Lima na halos araw-araw ay nagbabalitaan sila tungkol sa kanyang trabaho sa DOJ.

Ngunit patungkol naman daw sa kanyang pagiging nominee sa pagka-chief justice, ang katagang “goodluck” lamang, aniya, ang nasambit ng pangulo sa kanya.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply