De Lima disqualified sa pagka-chief justice

HINDI kasama ang pangalan ni Justice Secretary Leila de Lima sa isusumiteng shortlist ng mga nominado sa pagka-chief justice ng Korte Suprema.

Ito ang kinunpirma ngayon ni Atty.Jose Mejia, isang miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC) matapos na madiskuwalipika si De Lima sa nasabing posisyon.

Nalaman na may kinakaharap na disbarment case ang Kalihim sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) dahil sa umano’y pagsuway nito sa temporary retraining order ng Korte Suprema kaugnay sa kaso ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Sa umiiral kasi na JBC Rule 4, Section 5, nakasaad na kapag may pending criminal o regular administrative cases, may pending criminal cases sa foreign courts, na-convict sa kahit anong criminal case o administrative case na may multang P10,000 pataas ay disqualifed na sa appointment ng kahit anong judicial post.

Si De lima ay tumayo ding testigo sa impeachment trial nang napatalsik na dating punong mahistrado na si Renato Corona.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply