De Lima, pinatatahimik ng mga kongresista

PINAYUHAN ng mga kongresista si Justice Secretary Leila de Lima na tumahimik na at itigil na ang pagmamarakulyo nito matapos matanggal ang kanyang pangalan sa shortlist ng Judicial and Bar Council upang pagpagpilian sa pagka-Chief Justice.

Binigyang diin ni Agham Partylist Rep. Angelo Palmones na ang pagbalewala kay De Lima ay hindi nangangahulugan na hindi ito magaling at hindi karapat-dapat sa pwesto.

Paliwanag naman ni Iloilo Rep. Neil Tupas, Jr. na hindi naman na-single-out ang Kalihim sa botohan at malaki ang kanyang paniwala na naging patas ang desisyon.

Ani Tupas, may sinusunod na patakaran ang JBC na hindi maaaring isama sa shortlist na isusumite sa presidente ang isang nominado na may nakabinbing kasong kriminal at administratibo.

Dapat, aniyang, maunawaan ni De Lima na walang personalan sa ginawang botohan kundi ang naging basehan lamang sa pagkakatanggal ng kanyang pangalan ay ang disbarment case na nakabinbin sa Integrated Bar of the Philippines.

“Hindi ko alam kung anong paliwanag ang  gusto nya. She’s also a  member of the JBC,  so I’m sure alam nya rin yung patarakan dun, so I don’t know kung anong explanation pa ang kinakailangan ng Secretary of Justice,’  ani Tupas sa isang radio interview.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply