De Lima, Sen. Lacson peace na

NAGKABATI na ngayon sina Senador Panfilo Lacson at Justice Secretary Leila De Lima makaraan ang kanilang patutsadahan sa puwesto.

Kasabay nito, tiniyak ni Lacson na sakaling maisalang sa makapangyarihang Commission on Appointments si De Lima, siya mismo ang magrerekomenda ng confirmation nito sa plenaryo.

Kung matatandaan, isa si Lacson sa mga tumututol sa appointment ni De Lima.

Kaugnay nito nagkaayos na rin sina dating Pangulong Joseph Estrada at Senador Lacson.

Nabatid na matagal nang nagkaroon ng quiet dinner sa pagitan nina Erap at Lacson kaya’t hindi na ito lumabas pa sa media.

Magugunitang nagkaroon ng gusot sa pagitan ng dalawa dahil sa iringan sa Dacer-Corbito double murder case. (Johnny F. Arasga)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply