Death certificate ng anak ni Sotto ipinalalantad

NAIS ni dating Health Sec. Esperanza Cabral na ilantad ni si Sen. Vicente “Tito” Sotto  ang death certificate ng kanyang anak na sinasabing namatay dahil sa side effects ng paggamit ng contraceptives.

Ani Cabral, matagal nang pumanaw ang obstetrician ng maybahay ni Sotto na si Ms. Helen Gamboa na si Dr. Carmen Enverga Santos, kung kaya hindi nito mapapatunayan ang mga pahayag ng senador na mismong ang doktor ang nagsabing side effects ng paggamit ng contraceptives ang pagkaroon nang mahinang puso ng kanyang anak na lalaki.

Para kay Cabral, umaasa aniya siyang ilalabas ni Sotto ang hospital records at death certificate ng anak nitong si Vincent Paul Sotto.

Matatandaan na naging emosyonal si Sotto sa pagbatikos sa pagpapatupad sa RH Bill dahil na rin sa naging epekto umano nito sa kanyang anak na lalaki, na namatay din pagsapit ng siyam taong gulang na ipinanganak na blue baby.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply